simulain ng isang musikero

sabi ko sa kanya
gagawan kita ng kanta
sasayaw ka, di ba?

saad naman niya
bakit pa?
nandito ka naman, di ba?

oo nga.
pero, paano kung wala na ako?
pilit ko

bakit ba?
saan ka pupunta?
baling niya.

hindi ko alam
wika ko
basta, gagawan kita ng kanta.

sige na nga,
sabi niya
sasayaw na lang ako
sa kanta mo.

hindi ako tumugon
ang tunog ng musika
ay wala sa akin

hindi rin siya sumayaw
ang kumpas ng awitin
ay wala sa amin

nasa puso pala
puso naming umaawit
puso naming sumasayaw,

puso naming iisa.

16 April 1996

No comments: