sa kumpas ni gabriela

tunay at marangal
na tumula ang lorong balimbing
sa padyak at indayog
ng tutang sakitin

ang agila'y pumugay
sa langit na bughaw
umupo si damaso
sa tronong di turnilyo

habang namaluktot ang kubang balo
at sumigaw ang piping kalbo
may nakitang usok at apoy
sa puwit ng baso

umulan ng bala
sa bundok at sa edsa
humalakhak si karlo
sa tunog ng gitara

gising na at bumangon
harapin ang gabing umaga
ng gasgas na tuhod
at pusikit na pag-asa.


17 September 1987

No comments: