byuti kontis

kay tagal naman ng bulaklak bumukadkad
o ng perlas kaya na kuminang
salamin ang siyang nagpapahayag
"sino nga ba ang pinakamaganda sa lahat?

sabi ng isang matanda mali raw ito,
ang ibunyag at ihayag ang ganda at busilak
sabi ng isang bata tama raw ito,
ang ibantog at isaysay ang nararapat.

o sige na, insiang, magsuklay ka na
harapin mo ang kadiliman sa madla
may puknit na liwanag iyong masisinag
ngumiti ka, sa iyo iyan nakatatak.

ewan ko nga ba kung ba't may maganda, may pango
may hitsura naman ang lahat ng tao
siguro nga'y nadapa si eba sa labas ng paraiso
at tumingkad, namukadkad ilong ng mga anak nito.


27 September 1991

No comments: